Sunday, October 5, 2008

Ang Epekto Ng Pag-unlad Ng Teknolohiya

Ang teknolohiya ay may malaking ginagampanan sa ating pamumuhay sa daigdig. Ito ay nakakatulong ng malaki sa ating buhay sa pamamagitan ng mas nagiging madaling gawin ang mga bagay-bagay na dati ay napakahirap gawin. Sa paglipas ng panahon, mas lalo pang umuunlad ang teknolohiya at napakarami na nitong nagagawa sa ating mga buhay.
Noon, ang mga mag-aaral ay hirap na hirap sa pag-aaral dahil wala pang kompyuter. Pumupunta pa sila sa mga silid-aklatan at kumukuha ng napakaraming libro para lang gumawa ng mga gawaing-bahay o di kaya'y para makapagrebyu kapag may mga pasusulit. Pero dahil sa pagkaimbento ng kompyuter, ang mga mag-aaral ngayon ay hindi na gaanong nahihirapan na maghanap ng mga impormasyon tungkol sa kanilang mga gawaing-bahay dahil sa tulong ng internet. At dahil sa impluwensya ng kompyuter, hindi na ganun karami ang pumupunta sa mga silid-aklatan para magbasa at gawin ang mag gawaing-bahay dahil dumederetso na ang mga mag-aaral ngayon sa mga computer shop at doon na nila hinahanap ang mga kailangan nila. Isa lang ito sa mga halimbawa ng impluwensya ng kompyuter sa tao lalong-lalo na sa mga mag-aaral.
Ang teknolohiya noong mga unang panahon ay hindi pa ganoon kaunlad. Marami pa ring mga gawain ang ginagawa ng mano-mano o kinakailangan pa talaga ng mga tao na kumilos para magawa ang mga bagay-bagay. Pero dahil na rin sa paglipas ng panahon, dumarami na ang mga naiimbento para mas maging madali ang mga gawain ng mga tao. Bukod sa kompyuter, nandyan na din ang washing machine na ginagamit para mapadali ang paglalaba, ang rice cooker para sa pagsasaing, ang dryer para mapabilis ang pagpapatuyo ng mga damit at higit sa lahat, ang cellphone para mapadali na ang pakikipagkomunikasyon ng mga tao.
At habang lumilipas ang panahon, mas lalong dumarami ang mga bagay na naiimbento. At ang mga pinakabagong naiimbento ngayon ay ang mga robot na gumagawa ng mga gawain ng tao. May mga robot na naimbento na marunong magsalita, magbasa, magluto at iba pa na ginagawa ang mga gawain ng tao.
Iniisip ko na lang na, paano pa kaya sa mga susunod na panahon, ano na kaya ang magiging itsura ng ating mundo? Paano kaya kung ang mga naiimbentong mga robot ay dumami? Paano kaya kung ang mga robot na maimbento ang mamuno na sa ating daigdig?
Kaya dapat nating pag-isipan ng mabuti ang ating mga ginagawa. Huwag tayong gumawa ng mga bagay na pagsisihan natin balang araw. Hindi na masama ang pag-unlad ng ating taknolohiya, pero dapat nating isaalang-alang ang mga magiging epekto nito sa atin at lalong lalo na sa ating kapaligiran.

2 comments:

Salientwebs said...

"masyado ka naman advance, ano ito TERMINATOR: Rise of the Machines (";) " - ma'am anne

Unknown said...

Advance kayouh ha ....uu anu to PBB TEENS.....