Sunday, October 5, 2008

Ang Epekto Ng Pag-unlad Ng Teknolohiya

Ang teknolohiya ay may malaking ginagampanan sa ating pamumuhay sa daigdig. Ito ay nakakatulong ng malaki sa ating buhay sa pamamagitan ng mas nagiging madaling gawin ang mga bagay-bagay na dati ay napakahirap gawin. Sa paglipas ng panahon, mas lalo pang umuunlad ang teknolohiya at napakarami na nitong nagagawa sa ating mga buhay.
Noon, ang mga mag-aaral ay hirap na hirap sa pag-aaral dahil wala pang kompyuter. Pumupunta pa sila sa mga silid-aklatan at kumukuha ng napakaraming libro para lang gumawa ng mga gawaing-bahay o di kaya'y para makapagrebyu kapag may mga pasusulit. Pero dahil sa pagkaimbento ng kompyuter, ang mga mag-aaral ngayon ay hindi na gaanong nahihirapan na maghanap ng mga impormasyon tungkol sa kanilang mga gawaing-bahay dahil sa tulong ng internet. At dahil sa impluwensya ng kompyuter, hindi na ganun karami ang pumupunta sa mga silid-aklatan para magbasa at gawin ang mag gawaing-bahay dahil dumederetso na ang mga mag-aaral ngayon sa mga computer shop at doon na nila hinahanap ang mga kailangan nila. Isa lang ito sa mga halimbawa ng impluwensya ng kompyuter sa tao lalong-lalo na sa mga mag-aaral.
Ang teknolohiya noong mga unang panahon ay hindi pa ganoon kaunlad. Marami pa ring mga gawain ang ginagawa ng mano-mano o kinakailangan pa talaga ng mga tao na kumilos para magawa ang mga bagay-bagay. Pero dahil na rin sa paglipas ng panahon, dumarami na ang mga naiimbento para mas maging madali ang mga gawain ng mga tao. Bukod sa kompyuter, nandyan na din ang washing machine na ginagamit para mapadali ang paglalaba, ang rice cooker para sa pagsasaing, ang dryer para mapabilis ang pagpapatuyo ng mga damit at higit sa lahat, ang cellphone para mapadali na ang pakikipagkomunikasyon ng mga tao.
At habang lumilipas ang panahon, mas lalong dumarami ang mga bagay na naiimbento. At ang mga pinakabagong naiimbento ngayon ay ang mga robot na gumagawa ng mga gawain ng tao. May mga robot na naimbento na marunong magsalita, magbasa, magluto at iba pa na ginagawa ang mga gawain ng tao.
Iniisip ko na lang na, paano pa kaya sa mga susunod na panahon, ano na kaya ang magiging itsura ng ating mundo? Paano kaya kung ang mga naiimbentong mga robot ay dumami? Paano kaya kung ang mga robot na maimbento ang mamuno na sa ating daigdig?
Kaya dapat nating pag-isipan ng mabuti ang ating mga ginagawa. Huwag tayong gumawa ng mga bagay na pagsisihan natin balang araw. Hindi na masama ang pag-unlad ng ating taknolohiya, pero dapat nating isaalang-alang ang mga magiging epekto nito sa atin at lalong lalo na sa ating kapaligiran.

Friday, October 3, 2008

Dahan-dahan Pero May Kasiguraduhan

Paano nga ba matuto ang mga tao sa mga bagay-bagay na nasa kanyang paligid???
Madali nga lang ba matutunan ang mga bagay na ito???
O mahirap matutunan ang mga ito???
Kailangan ba ng napakahabang oras para matutunan ang mga ito???
O kaya na sa maikling oras???
Kailangan bang madaliin ang lahat ng bagay???
O makakaya nating matutunan ang mga ito sa pamamagitan ng pagdadahan-dahan???

Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang paraan ng pagktuto.
Mayroong mga taong madaling matutunan ang mga bagay-bagay.
Mayroon din namang mga nahihirapan.
Mayroon ding mga tao na nangangailangan ng napakahabang panahon para matutunan ang isang bagay.
At mayroon ding iba na natututo sa loob lamang ng napakaikling panahon.
Ang pagkatuto ng isang tao ay depende sa kung paano niya maintindi ang isang bagay.
Para sa akin, mas mabuti ng dahan-dahanin ang mga bagay kaysa madaliin ang mga ito.
Dahil kapag ang isang bagay ay minadali, may mga pagkakataon na hindi natin ito agad natututunan.
At minsan kapag minadali mo ang isang bagay, mayroong kang mga nakakalimutan at pwede itong maging dahilan ng iyong pagkalito at lalo ka lang matatagalan na matutunan ang mga ito.
Para kasi sa akin, kapag dinahan-dahan mo lang ang isang bagay, maliit ang porsyento na may makalimutan ka. At malaki rin ang porsyento na matutunan mo ang isang bagay.

Nang matuto akong magkompyuter, aaminin kong nahirapan ako. Hindi naging madali para sa akin na matutunan ang mga bagay tungkol sa kompyuter. Lalo na at wala kaming kompyuter sa bahay at nag-rerent lang ako sa mga computer shop. Pero dahil na rin sa dinahan-dahan ko ang pagkatuto nito, hindi na naging ganun kahirap para sa akin na matutunan ang mga ito. Pati na rin sa pag-aaral ko ng kursong BSIT, hindi naging ganun kadali. Lalung -lalo na sa mga subject na may kinalaman sa kompyuter. Ito ay ang mga subjet na IT Application, CS, BPR, Web Development, C++ at lalong-lalo na sa C. Nahirapan akong matutunan ang C dahil na rin sa hindi ito tinuturo ng maayos ng aming professor. Wala talaga akong matandaan sa subject na ito kaya nang pinagawa kami ng flowchart na gagawin din sa C, nahirapan ako. Ang Web Development at C++ ay hindi ganun kahirap matutunan pero hindi rin naman ganun kadali. Pero dahil na rin sa professor namen at sa tulong ng mga kaibigan ko, naging madali na rin ito para sa akin.

Ang mga subject na ito ay may mga bagay na napakahirap intindihin at nangangailangan talaga ng panahon. Dahil kapag minadali mo ang mga ito, lalo ka lang mahihirapan at matatagalan. Gaya ng ginawa ko sa pag-aaral ko ng mga subject na ito, dinahan-dahan ko ang mga ito at hindi ko minadali kaya marami akong natutunan at ang mga natutunan kong ito ay maaari kong ibahagi sa mga taong wala pang masyadong alam sa kompyuter.


Para sa akin, base na rin sa mga karanasan ko, ang mga bagay na nasa ibabaw ng daigdig ay hindi kailangang madaliin para matutunan. Ang mga bagay na ito ay matutunan sa pamamagitan ng pagdadahan-dahan. Kailangan lang natin na pagtuunan ng atensyon ang mga bagay na gusto nating matutunan. Nang sa gayon, hindi tayo mahirapan na matutunan ang mga ito. At higit sa lahat, tandaan natin na walang bagay sa ibabaw ng daigdig na natututunan sa pamamagitan ng pagmamadali.

Thursday, October 2, 2008

Ang Aking Libangan Ang Isa Sa Mga Dahilan Ng Aking Pag-aaral

Ang libangan ay isa sa mahahalagang bagay sa buhay ng isang tao. Iba't iba ang mga libangan ng tao depende sa kung anong klase ang hilig o gusto niya. Mayroong mga libangan na ginagawa sa loob ng bahay at meron din naman sa labas ng bahay. Karamihan ng mga libangan ng mga tao ay ang mga sports tulad ng basketball, volleyball, badminton, tennis, at marami pang iba. Meron din naman ang naglilibang sa paglalaro ng mga board games tulad ng scrabble, chess, games of the generals at marami pa ring iba.

Noong nakaraang mga panahon, ang karaniwang libangan o nilalaro ng mga kabataan ay ang mga larong panlansangan na ang ginagamit ay ang lakas ng ating katawan. Ang mga halimbawa ng larong Pinoy ay ang palosebo, piko, sipa, at mga habulan tulad ng mataya-taya. Pero sa panahon natin ngayon, dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya, konti na lang ang naglalaro ng mga larong Pinoy at minsan pa nga hindi na nalalaro ang mga ito. Karamihan ng mga nilalaro ng mga kabataan ngayoh ay ang mga larong kompyuter tulad ng dota, audition, auto jam, ragnarok, counter at battle realms. Meron din namang mga laro ng makabagong teknolohiya na nalalaro sa loob ng bahay tulad ng Game Boy. At yan ang pinakaaadikan kong libangan.

Ang paglalaro ko ng gameboy ang natatangi kong libangan na kinaaadikan ko dahil sa mga magagandang laro nito na nilalaro ko. Ang pinakagusto ko o ang pinakaaadikan kong laro ay ang mga larong paglalakbay tulad ng Pokemon, Castle Vania, Megaman, Super Mario, Breath of Fire at Golden sun. Sa mga larong ito, ang mga pinagpupuyatan ko ay ang Pokemon at Golden Sun. Ang mga larong ito ay nakakaadik dahil sa mga puzzle na pinapasagutan dito at sa mga tauhan na nandito. Nasasayahan akong sagutan ang mga puzzle dito dahil sa mga puzzle na ito, napapagana ko ang aking utak at natutuwa ako tuwing nasasagot ko ang mga ito. Masasabi kong may mga maganda at masamang epekto ang pagkaadik ko sa Game Boy. Ang masamang epekto ng pagkaadik ko sa Game Boy ay ang pagpupuyat ko at dahil sa pagpupuuyat ko na ito, nagiging kulang ang aking tulog at inaantok ako pagdating ng kinabukasan. At minsan, nakakalimutan ko nang kumaen dahil sa hindi ko na namamalayan ang pagtakbo ng oras sa tuwing naglalaro ako ng Game Boy. Minsan din, nakakaranas ako ng paglabo ng aking mga mata. Meron din naman mga oras na mas inuuna ko pa ang paglalaro ng Game Boy kaysa sa mga gawaing bahay ko. Para sa akin, mayroon din namang mabuting epekto ang paglalaro ko ng Game Boy. At isa na d'yan ang pagpapagana ko ng aking utak sa tuwing naglalaro ako ng Game Boy dahil nga sa mga puzzle na sinasagutan ko dito.

Dahil sa paglalaro ko ng Game Boy, natangkilik ako na maging computer engineer pero hindi ko pa kinukuha ang computer engineering dahil sa problema sa pera. Pero ang kinukuha ko ngayon na kurso na information technology ay may konekta sa pagiging computer engineer kaya ito muna ang kinuha ko. Gusto kong gumawa ng sarili kong laro sa Game Boy at ang pagiging estudyante ng I.T. ay isa sa mga paraan para magawa ko ito. Alam kong hindi madali ang gusto kong mangyari pero kahit na ganun, kakayanin ko ang lahat ng kahaharapin kong problema at pagsisikapan kong makapagtapos ng I.T. at kukuha ako ng kursong computer engineering. Ang libangan kong Game Boy ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.